Household Hazardous Waste Program

English     Spanish     Vietnamese     Chinese     Japanese     Korean     Hindi

Ang mga mapanganib na basura sa bahay ay mga hindi kanais-nais na mga produktong pambahay na may tatak na nasusunog, nakakalason, kinakain ng unti-unti, o reaktibo. Kabilang sa mga karaniwang produkto ang mga auto fluid, baterya, electronics, fluorescent at LED lightbulb, mga kemikal sa hardin, panlinis sa bahay, pintura, at marami pang ibang produkto na nangangailangan ng wastong pagtatapon upang maiwasan ang pinsala sa mga tao at kapaligiran. ​​

"Make An Appointment" button

O tumawag sa:

(408) 299-7300

Maaaring mapunan ang mga appointment kapag nag-iiskedyul sa mismong araw. Mangyaring mag-iskedyul ng inyong appointment nang maaga.

*Paalala sa mga residente ng Palo Alto: Mangyaring huwag gumawa ng appointment. Makipag-ugnayan sa household hazardous waste program ng inyong lungsod.

Palo Alto HHW:(650) 496-5910

**Patnubay sa Kaligtasan**

• Para sa kaligtasan at kapakanan ng publiko at ng aming mga tauhan, ilagay ang lahat ng basura sa likuran ng sasakyan at hindi sa lugar ng pasahero. Para sa regular na sasakyan, ilagay ang basura sa likuran, para sa mga truck, ilagay ang mga basura sa lapag, at para sa mga SUVs/hatchbacks, ilagay ang mga basura sa likuran ng sasakyan.

Ang Household Hazardous Waste Program ng County ng Santa Clara ay pinondohan ng mga kalahok na lungsod at ng County ng Santa Clara. (Mga programang HHW sa labas ng County) 


 Mga negosyo: Ang mga negosyong gumagawa ng kaunting mapanganib na basura ay maaaring maging kuwalipikadong gamitin ang Very Small Quantity Generator (VSQG) program ng County. Para sa karagdagang impormasyon, mag-click dito. Para mag-iskedyul ng appointment para sa paghahatid ng basura, mangyaring tawagan ang (800) 207-8222.

Paano maayos na itapon ang mga mapanganib na basura sa bahay.​​​​

©2023 County of Santa Clara. All rights reserved.